Thursday, October 30, 2014

Presyo ng bulaklak, tumaas na

BAHAGYANG tumaas ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Sampaloc, Maynila dalawang araw bago mag-Undas.


Nabatid na ilan sa mga bulaklak ay tumaas na ang presyo habang ang iba nama’y nanatili pa rin sa dati.


Gayundin, ang flower arrangement ay naglalaro na sa halagang P70-P100 ang Center Piece, P150-P250 naman ang Topiary, ang round arrangement naman ay aabot sa P350 – P400, ang One-sided naman ay aabot ng 500 habang nasa P500-P600 naman ang sa Spray arrangement.


Ang isang dosena naman ng long-stemmmed rose ay nasa P250.


Inaasahan naman na lalo pang tataas ang presyo ng bulaklak sa darating na Undas. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Presyo ng bulaklak, tumaas na


No comments:

Post a Comment