IN effect, iyan ang sagot na ibinalibag ni Rep. Sherwin Gatchalian sa dalawang attack dogs ng Mar Roxas faction sa Liberal Party na nagsabing hindi na dapat tumakbo bilang Presidente si Vice-President Jojo Binay sa 2016.
Tama si Gatchalian. Bakit naman aatras si Binay gayung patuloy ang pagiging No.1 presidential contender niya sa Pulse Asia at SWS surveys kahit kaban ng bayan na ang ginagamit sa demolition job laban sa kanya?
Ang tama lang na ang mag-withdraw ay si Sen. Alan Peter Cayetano, kasama ang “dalawa pang itlog”, na nagpapagamit kay Roxas para siraan si Binay sa pamamagitan ng Senado.
Sa pagbagsak ng rating ni Cayetano mula 5% bagsak sa 1%, kahit barangay captain ang takbuhan niya ngayon ay baka hindi siya manalo at wala siyang dapat sisihin kundi ang kanyang pagiging garapal sa pamumulitika.
Hindi naman kasi tanga ang madla para hindi makita na sa dinami-rami ng hearings na isinagawa ng komite gamit ang mga talunang kandidato sa Makati na sina Ernesto Mercado at Renato Bondal ay wala silang napatunayan ni katiting na alegasyon laban kay Binay.
Lumitaw na hindi naman parking building lang ang Makati City Hall Building 2 at walang overpricing sa pagtatayo nito dahil bukod sa isa itong green office building ay pinatibay rin ang pundasyon nito dahil malambot ang kinatatayuang lote malapit sa ilog.
At sa paglabas ng negosyanteng si Antonio Tiu, butata lahat ang mga tanong ng “tatlong itlog” sa sinasabi nilang dummy ni Binay si Tiu sa pagmamay-ari ng isang farm sa Rosario, Batangas. Tahasang sinabi ni Tiu na ang Sunchamp, isa sa marami niyang kumpanya na worth P5-bilyon at publicly listed sa Philippine Stocks Exchange, ang may-ari ng Batangas property na isang agri-tourism project niya.
Tama si Tiu, dahil low-profile businessman siya at VP naman si Binay na nagli-lease ng siyam na ektarya doon, madaling magkaroon ng maling akala ang ilang taga-Batangas na si Binay ang may-ari ng buong farm kahit hindi naman.
Sa totoo lang, lumabas na mas may kredibilidad si Tiu kumpara sa mga senador dahil isinalang ang negosyante at kanyang mga kumpanya sa due diligence ng giant foreign investment firm BlackRiver para sa P1 bilyong expansion loan na approved at na-release na.
Katunayan, biglang tumaas ang value ng stocks ng mga kumpanya ni Tiu na listed sa PSE na nangangahulugan lang na hindi naniniwala ang businessmen at local investors sa mga paratang sa kanya.
Kaya dapat nang tumigil ang “kumita”, este, komite ni Cayetano sa “Oplan: Nognog 2016 at ang Senate hearings dahil nakasusuka na.
Ang dami-daming problema ng bansa tulad ng lumalalang kahirapan, kagutuman, trapik, kriminalidad at dispalinghadong MRT at LRT para gamitin nila ang pondo ng bayan sa paninira kay Binay. KANTO’T SULOK/NATS TABOY
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment