Thursday, October 30, 2014

Bading na tumanggi sa sex, tinarakan

ISANG beautician ang malubhang nasugatan makaraang pagsasaksakin ng isang lalaki matapos tumanggi ang sa alok na sex sa Quezon City kagabi, Oktubre 29, Miyerkules.


Kinilala ang biktimang si Ricardo Ferrer, 30, binata, ng 1C Manalo St., Bgy. San Francisco Del Monte, QC.


Si Ferrer ay kasalukuyang inoobserbahan sa Quezon City General Hospital (QCGH) dahil sa tinamong saksak sa katawan.


Nakapiit ngayon ang suspek na nakilalang si Juan Paolo Talastas, 19, binata, walang trabaho, ng July St., Congressional Village, Bgy. Bahay Toro, QC.


Ayon sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) station 3 – Talipapa, naganap ang insidente sa loob ng Kino Salon sa kahabaan ng Benefit St., Bgy. Sangandaan dakong 7:00 kagabi.


Sinabi sa ulat na bago naganap ang insidente, nasa loob umano ng nasabing parlor ang biktima nang biglang dumating ang suspek.


Nag-alok umano ang suspek na si Talastas ng serbisyo ng sex sa biktima na tinanggihan naman ng huli.


Matapos ito, umalis ang suspek ngunit makalipas ang ilang minuto ay bumalik ito sa na may dala nang patalim saka pinagsasaksak ang biktima.


Patakas na sana ang suspek nang madakip ito ng mga barangay tanod ng Bgy. Sangandaan.


Kasalukuyan ngayong nakapiit ang suspek at nahaharap sa kaso. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Bading na tumanggi sa sex, tinarakan


No comments:

Post a Comment