Thursday, October 30, 2014

Orcollo imbitado sa World Pool Masters

BINIGYAN ng imbitasyon sina former world champions Dennis “Robocop” Orcollo at Francisco “Django” Bustamante na tumumbok sa 22nd edition ng World Pool Masters na gaganapin sa Portland Centre sa Nottingham sa Nobyembre 14 hanggang 15.


Pero si 2011 WPA World Eight-Ball Champion Orcollo lang ang sasargo dahil hindi makakasali si 2010 WPA World 9-Ball champion Bustamante.


May 16 na matitikas na bilyarista sa buong mundo ang pipina sa tatlong araw na kumpetisyon na may $20,000.00 gantimpala habang ang papangalawa ay may $10,000.00 premyo.


Nasungkit ni Orcollo ang titulo ng nasabing event noong 2010 edition habang si Bustamante ang naunang nagpasikat sa Pilipinas nang kunin ang kampeonato ng dalawang beses noong 1998 at 2001.


Pihadong dadaan sa butas ng karayom bago masungkit ni Orcollo ang ipangalawang titulo dahil may mga nagbabalik na mga dating kampeon.


Idedepensa ni Niels Feijen ng Holland ang kanyang korona habang habang ang iba pang dating kampeon ay sina Alex Pagulayan ng Canada (2008), Darren Appleton ng England (2009) at Karol Skowerski ng Poland (2012).


Ang ibang kalahok ay sina US Open champion Shane Van Boening, dating world champions Mika Immonen ng Finland at Thorsten Hohmann ng Germany, Mark Gray, Karl Boyes at Chris Melling ng England, Nikos Ekonomopoulos ng Greece, Daniele Corrieri ng Italy, James Georgiadis ng Australia, Wang Can ng China at Waleed Majid ng Qatar.


Nakalinyang makipagtumbukan ni Orcollo kay third seed na si Melling sa event na ipinatutupad ang knockout format.


May naibulsa si Orcollo na $88,575.00 sa taong ito kaya nasa pangatlong puwesto siya sa overall money list. ELECH DAWA


.. Continue: Remate.ph (source)



Orcollo imbitado sa World Pool Masters


No comments:

Post a Comment