Thursday, October 30, 2014

12 pulis na sangkot sa maanomalyang raid sa Pasay, sinibak

SINIBAK sa puwesto ang 12 pulis na sangkot sa diumano’y maanomalyang raid sa isang night club sa Pasay City noong Oktubre 23.


Ayon kay Southern Police District (SPD) Deputy Director for Operations Senior Superintendent Edgar Danao, maraming nilabag na panuntunan sa raid ang grupo ni Supt. Erwin Emelo na una nang sinibak sa tungkulin.


Tinanggal si Emelo matapos itong akusahan ng panggagahasa ng isa sa mga Guest Relations Officer (GRO) sa naturang night club.


Sinabi ni Danao na walang nangyaring koordinasyon sa Pasay police nang isagawa ang raid na 65 kababaihan ang inaresto.


Wala ring kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Women and Children’s Desk ng Pasay police. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



12 pulis na sangkot sa maanomalyang raid sa Pasay, sinibak


No comments:

Post a Comment