Thursday, October 30, 2014

Bumigay ang katawan sa tindi ng pagdadalamhati

NILINAW ni Ritz Azul na hindi si Edward Mendez ang dahilan kaya ‘di niya sinagot ang direktor na si GB Sampedro. Hindi rin daw totoo na binasted niya si Direk GB.


“Hindi ko po siya (Direk GB) binasted. Siya po ‘yung parang biglang nag-fade away. Biglang wala na kaming communication. Pero ngayon po medyo nagte-text na siya ulit sa akin,” paliwanag ni Ritz.


Leading man ni Ritz si Edward sa special episode ng WATTPAD Presents “Savage Cassanova” sa TV5 na sinundan ng almost 2-million Wattpad readers for this week.


Walang kaplastikan naman na sinabi ni Ritz na hindi siya natakot na mawalan ng project sa TV5 dahil kay Nadine Samonte noon. Para sa kanya, ang kalaban niya ay ang kanyang sarili. Depende na lang daw sa kanya kung iaangat niya ang sarili o hindi.


Kung meron man daw siyang kinainggitan kay Nadine ngayon, eto ‘yung chance na nakakatatalon ang dating Kapuso star sa ibang network.


“Doon ako medyo, gusto ko’ng ma-try ‘yun, haha!”


Nabalitaan daw kasi niya na iba ang experience working with another network. Pero hindi naman daw ibig-sabihin gusto na niyang mag-ober da bakod. “Naku! Hindi ko masagot, haha! Pero ngayon, napag-uusapan na namin ng management kung ano ang plans nila for me. Alam din nila na one year na lang ‘yung contract ko sa kanila,” sambit ni Ritz.


Sobrang satisfied daw siya working with TV5. Dito raw siya medyo nakilala at nagpapasalamat siya sa opportunities na binibigay ng network sa kanya.


Anyway, mapanonood ang WATTPAD Presents “Savage Cassanova” sa TV5 9:30 pm from Monday to Friday.


-ooOoo-


Few days from now ay kaarawan na ng Star For All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos. Tinanong namin ang kanyang anak na si Luis Manzano kung ano ang regalo niya sa kanyang ina sa presscon ng bago niyang pelikula, ang Moron 5.2: The Transformation directed by Wenn Deramas.


“Kasi galing ako sa States, nawala sa isip ko. So, baka bigyan ko siya ng problema this year,” biro ni Luis.


Ayon kay Luis, nagka-ulcer ang mommy niya pagkatapos mamatay ng “right hand” nitong si Aida. Medyo bumigay raw ang katawan ng mommy niya pero okey na raw ngayon. Pero tingin ni Luis, magpo-focus ulit sa showbiz si Gov. Vi after her term.


“I was in the States, I was reading a lot of articles, si Tito Ralph (Recto) released a statement or having an interview, and he said my mom, so far, had no political plans. No plans of running for higher office. So, siguro kung mag-rest siya, sige mag-showbiz muna,” lahad niya.


Malay natin dumating si Gov. Vi sa premiere night ng Moron 5.2 either sa Market! Market! or sa SM Megamall on November 4? Pero ang showing ng “Moron 5.2” is on November 5. SWAK NA SWAK/JULIE BONIFACIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Bumigay ang katawan sa tindi ng pagdadalamhati


No comments:

Post a Comment