SINELYUHAN na kaninang umaga (Oktubre 31) ng pulisya ang lahat na lagusan sa Koronadal City para hindi makatakas ang isang retiradong school principal na pumatay sa kanyang kapatid nitong Huwebes ng hapon, October 31.
Ang tinutukoy na suspek na si Filoteo Alcallo, 65, ay dating principal ng isang pampublikong eskwelahan sa lungsod at may tinanggap na special citations dahil sa dedikasyon sa trabaho at may magandang relasyon sa lokal na komunidad.
Binaril ng 357 magnum revolver ni Filoteo ang kanyang kuya na si Francisco, 67, nitong nakaraang Huwebes ng hapon dahil sa pinag-aawayang lupa mula sa kanilang namayapang magulang na 6-ektarya sa Sitio Libertad sa Bgy. Topland.
Ayon kay Baltazar Bermil, chairman ng Bgy. Topland, nakatakas ang suspek bago pa dumating ang mga rumespondeng barangay tanod sa crime scene.
Bago ang pamamaril, nagtalo ang magkapatid hinggil sa kung sino ang dapat magmana ng naturang lupa hanggang sa makarinig na lamang ng sunod-sunod na putok ng baril. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment