BILANG pag-ayuda, nagtalaga ang Quezon City Bureau of Fire Protection ng rescue (BFP) teams sa mga sementeryo sa lungsod para umasiste sa mga taong magtutungo sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay ngayong Undas.
Ayon kay QC Fire Marshal Supt. Jesus Fernandez, may mga itinayo silang assistance desk sa bawat sementeryo na kakikitaan ng kanilang mga rescue team na maaaring magbigay ng first aid assistance sa mga nangangailangan ng tulong tulad ng mga mahihilo sa loob ng sementeryo, nawawalang mga bata at iba pa.
May 200 ding mga tauhan ang mananatiling nakaantabay sa mga fire station sa QC para sa mabilis na pagresponde sakaling may maganap na sunog sa panahon ng okasyon.
Kaugnay nito, pinayuhan din ni Fernandez ang publiko na kung magbabakasyon sa probinsya ngayong Undas, tiyaking walang naka-open at naka-unplug ang mga appliances gayundin, tingnan kung nakasara ang LPG tank bago umalis ng bahay para makaiwas sa sunog.
Kailangan aniyang i-double check ang LPG tank kung nakasarang mabuti at walang singaw upang maiwasan ang sunog at ihabilin sa mga kamag-anak o mapagkakatiwalaang kapitbahay ang bahay.
Noong nakaraang November 1, 2013, nakapagtala ang QC fire department ng hindi bababa sa 10 insidente ng sunog na ang dahilan ay ang naiwang nakasinding kandila pero wala namang iniulat na nasawi. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment