MALABO ng mapaharap pa sa Kamara ang negosyanteng sangkot sa MRT extortion na si Wilson de Vera.
Inamin mismo ni Pampanga Rep. Oscar Rodriguez, chairman ng House Committee on Good Government, na ang negosyanteng si Wilson de Vera na sangkot sa extortion sa Inekon group kapalit ng kontrata para sa bagong bagon ng MRT ay hindi na nakita.
Sa pagdinig ng komite, sinabi ni Rodriguez na ginawa nila ang lahat para matunton si de Vera subalit hindi nila ito mahanap.
Pinadalhan pa umano nila ito ng imbitasyon sa address nito sa Pangasinan pero hindi tinanggap dahil wala doon si de Vera ngunit batay sa kanilang impormasyon ay nakalabas na ng bansa ang negosyante kaya wala ng silbi kung iisyuhan pa nila ito ng subpoena.
Handa aniya ang komite na tapusin ang imbestigasyon sa MRT extortion issue subalit humirit pa ng isang pagdinig si Navotas Rep. Toby Tiangco.
Hiniling kasi ni Tiangco na bago tapusin ang imbestigasyon ay maipatawag muna ang taga-Bureau of Immigration para makuha ang flight details ni De Vera at ipatawag ang pinuno ng prosecution service ng Department of Justice (DoJ) para alamin kung tinapos na ng kagawaran ang imbestigasyon sa MRT extortion issue.
Isa sa pangunahing isinasangkot sa extortion issue na ito ay si dating MRT General Manager Al Vitangcol na sa bandang huli ay napilitan ding magbitiw sa puwesto. MELIZA MALUNTAG
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment