Friday, October 31, 2014

Suspek sa pagpatay dahil sa droga, pinaghahanap na

PINAGHAHANAP ngayon ng mga awtoridad ang mga armadong lalaki ng pumatay sa tatlong lalaking pinagbabaril sa San Jose Del Monte, Bulacan dahil sa onsehan sa droga.


Batay sa ulat, anim na armadong ‘di pa kilalang lalaking sakay ng tatlong motorsiklo ang dumating sa tinutuluyang bahay ng mga biktima sa Bgy. Sto. Cristo.


Tatlo sa mga ito ang pumasok at pinagbabaril ang mga biktima.


Kaagad na namatay sina Kristina Sta. Maria, 38, at Andrew Bovier, 18.


Namatay sa bago dumating sa ospital si Dindo Matias habang patuloy na inoobserbahan si Renz Nathaniel Cabantug.


Sa loob ng bahay, nadatnan ng mga imbestigador ang isang kilo ng marijuana, timbangan, ilang drug paraphernalia at mga gulay na pinagtataguan ng mga droga.


Dahil dito, onsehan sa droga ang nakikitang motibo ng mga pulis sa krimen lalo’t talamak ang iligal na droga sa lugar.


Ayon sa asawa ng isa sa mga biktima asawa, matagal na siyang drug pusher subalit gusto na niyang magbago.


Inamin din nitong matagal na rin siyang nalulong sa bisyo pero hindi niya inakalang mauuwi ito sa trahedya at madadamay pa ang kanyang pamilya. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Suspek sa pagpatay dahil sa droga, pinaghahanap na


No comments:

Post a Comment