Thursday, October 30, 2014

LPA na papasok ng PAR magiging bagyo

POSIBLENG maging bagyo ang namataang low pressure area (LPA) sa silangan ng Visayas.


Ayon kay weather forecaster Gener Quitlong, nasa labas pa rin ng Philippine area of responsibility (PAR) ang LPA at huling namataan sa layong 2,100 kilometro silangan ng Visayas.


Aniya pa, posibleng sa Nobyembre 1 ito maging ganap na bagyo na tatawaging “Paeng.”


Ngayong Huwebes, dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ), magkakaroon ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Eastern at Central Visayas, Mindanao at Palawan.


Pero asahan ang mas maulan pang paggunita ng Undas sa Kabisayaan pagpasok ng LPA.


Samantala, lumakas na ngayon ang Amihan o northeast monsoon kaya umabot na ito sa Central Luzon at naramdaman na rin ang pagbaba ng temperatura sa Metro Manila.


Posibleng maramdaman ito nang ilang araw pero huwag asahang tatagal pa ito dahil gumagalaw ang Amihan.


Magiging maganda ang panahon sa Metro Manila at Luzon ngayong araw na ito. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



LPA na papasok ng PAR magiging bagyo


No comments:

Post a Comment