Tuesday, October 28, 2014

Cebu Doctors Hospital naabo

TINUPOK ng apoy ang bahagi ng Cebu Doctors Hospital sa Osmeña Blvd., Cebu City kagabi.


Nagsimula ang apoy pasado alas-8:00 nang sa linen department sa basement ng ospital.


Naging maagap naman ang mga doktor at nurse at agad inilabas ang nasa 200 pasyente para ihatid sa iba’t ibang ospital. Inuna ang mga pasyenteng kritikal ang kondisyon, mga naka-wheelchair at mga bagong silang na sanggol.


Marami namang rumespondeng ambulansya at rescue group.


Ayon sa awtoridad, nadamay sa sunog ang generator set at mainline ng kuryente sa ospital.


Matapos ang 28 minuto, idineklara rin na under control na ang sunog.


Tiniyak ng pamunuan ng ospital na ligtas ang lahat ng pasyente.


Iniimbestiga pa naman kung ano ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsala nito. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Cebu Doctors Hospital naabo


No comments:

Post a Comment