MAGDUDULOT ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng ating bansa sa araw ng Undas ang low pressure area (LPA).
Posibleng humabol sa buwan ng Oktubre o kaya’y sumabay sa Araw ng mga Patay ang pagpasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ng naturang LPA.
Ayon kay PAGASA forecaster Gener Quitlong, mahina lamang ang nasabing namumuong sama ng panahon at maaari pang malusaw ngunit magdudulot pa rin ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng ating bansa.
Sa ngayon ay maliit ang tyansa nitong lumakas dahil sa umiiral na malamig na hanging amihan.
Kaugnay nito, mananatiling makulimlim ang Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon ngayong araw dahil sa epekto ng amihan.
Habang ang ibang bahagi naman ng bansa ay aabutin ng cold front mula sa Pacific Ocean. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment