Thursday, August 28, 2014

QCPD DAID-SOG BEST TSAMBA TEAM

KAMAKAILAN, halos hinakot lahat ng Quezon City Police District (QCPD) – District Anti-Illegal Drug – Special Operations Group (DAID-SOG) ang pinakamataas na pagkilala ng PNP National Capital Region Police Office (NCRPO). Congratulations!


Matapos iyon, syut sa kanila ang drug dealer na Tsino at gusto pang depensahan ni Human Rights chief Etta Rosales matapos sampalin ng dalawang beses ni QC Mayor Herbert “BISTEK” Bautista ‘yung bastos.


Itong huli, umiskor na naman ang QCPD DAID–SOG ng mahigit P100-milyon mula sa illegal drug dealers na kakutsaba ng bastos ng Tsino noon.


Sadyang inspirado ang DAID-SOG dahil sa liderato ng kanilang Director.


Sa tagal natin sa QCPD, kakaiba ang husay na ipinakikita ng mga operatiba ni QCPD Director Richard A. Albano.


Sobrang masisipag at palaging may resulta.


Ang nakatutuwa sa kanila, tuwing babatiin ang sagot sa atin ay, “TSAMBA LANG, SIR!”


‘Yun na, kasama ang tropang media, binansagan ang QCPD na “TSAMBA TEAM”!


Ang DAID-SOG sa liderato ni SInsp BERT RAZON ay malapit ng maabot ang bilyong piso na halaga ng iligal na droga na nakumpiska nila.


Masakit man, naikukumpara sila sa performance ng PDEA sa bulto ng mga nahuhuli – sa PDEA, sachet-sachet ang usapan pero sa DAID-SOG, kilo-kilo. Salute!


Nilalahat ko na ang tropa ng DAID, mababa ang kanilang kalooban.


Ganyan ang kanilang hepe na si BART RAZON na inspirado rin naman sa liderato ni DD Albano.


Of course, hindi nahuhuli sa trabaho ang QCPD Anti-Carnapping Team with CIns. Jun Lorenzo.


Sila ang tumapos sa pamilya ng kilabot na carnapping syndicate ni Mac Lester Reyes.


Nauna ang mag-ina ni Mac Lester na napatay sa QC Memorial Circle noong nagdaang taon.


Hindi naman nagpapahuli ang tropang CIDU ni CInsp RODEL MARCELO na tumagpas sa malalaking kriminal na dumarayo sa Kyusi.


Ang huli ay ‘yung mga gun-for-hire na namaril ng walang habas sa Batasan-Fairview.


Natuldukan nila ang pagpatay sa isang modelo sa loob ang gamit ay resibo ng isang kilalang food chain.


Matitindi rin naman ang station commanders.


Bawat araw halos ay mababasa ang laban nila sa mga kriminal, mga holdaper, mga snatcher, mga salisi at budol-budol. Lahat ng unit ay nagde-deliver!


Kaya nga kung ako kay PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima, bababa ako sa QCPD at personal kong pangunahan ang pagkilala sa QCPD TSAMBA TEAM at bigyan ng karangalan at promosyon.


Alight, SIR? BALETODO/Ed Verzola


.. Continue: Remate.ph (source)



QCPD DAID-SOG BEST TSAMBA TEAM


No comments:

Post a Comment