Friday, August 29, 2014

3,500 OFWs pinalilikas sa Ebola-hit areas sa Africa

PINALILIKAS ng ang mahigit 3,500 OFWs sa tatlong state ng West African dahil sa Ebola outbreak.


Ito ang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasunod ng utos na pagpapalikas sa mga Pilipino sa Liberia.


Napag-alamang aabot sa 1,979 OFWs ang nasa Sierra Leone, 880 sa Guinea, at 632 naman sa Liberia, kasama na ang 148 na sundalo na nai-deploy kasama ang UN peacekeeping force.


Maalalang sa huling tala ng World Health Organization (WHO), aabot na sa 1,550 ang namatay dahil sa nasabing sakit. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



3,500 OFWs pinalilikas sa Ebola-hit areas sa Africa


No comments:

Post a Comment