Friday, August 29, 2014

Saan kaya pupulutin kapag hindi na nagpa-sexy?

HINDI kaya nagbabadya ng pagkalaos ang desisyon ni Cristine Reyes na mag-retire sa pagpapa-sexy? Tinanggap siya ng tao sa sexy image na nakakaarte naman.


Pero ‘yung tuluyang iiwanan ang pagpapa-sexy, ewan lang kung saan siya pupulutin. Marami na ring mga nagpapa-sexy dati na nagpa-press relase na ga-graduate na pero karamihan sa kanila ay nilimot na ng showbiz.


Sana lang, makatulong na kumita ang “The Gifted” sa press release niyang pagbababu sa pagpapaseksi, huh! Tingnan mo si Anne Curtis, kahit mas super sikat sa kanya, hindi niya isinasara ang sarili sa mga sexy scene at mapangahas na eksena.


Pero kung ‘yun ang desisyon ni Cristine, respetuhin natin. Career naman niya ‘yan at dapat ready siya sa mga posibleng mangyari sa kanyang ilusyon.


Matuk mo, sa rami ng mga artistang walang proyekto, balitang nagagawa niya ngayon na umayaw sa isang serye na makakasama niya sina Angelica Panganiban at Jake Cuenca. Medyo sexy raw ang tema kaya tinanggihan niya.


Talbog!


-0o0-

Noon pa namin napapansin na malusog tingnan si Angelica Panganiban ‘pag nanonood kami ng Banana Split: Extra Scoop at Banana Nite. Bagay lang sa pagiging komedyana niya sa nasabing comedy show.


Paano nga naman siya magkakaroon ng serye at masusundan ang “Apoy sa Dagat” kung mataba siyang nakikita sa screen.


Mabuti sana kung ire-revive niya ang “Dabiana,” carry lang ‘yun.


Tama lang na sabihan si Angel na magpapayat bago simulan ang serye na kasama si Jake.


At magsilbing inspirasyon sa kanya ang pagpayat ng boyfriend niya si John Lloyd Cruz na ‘yummy’ tingnan at swak sa tandem nila ni Toni Gonzaga sa “Home Sweetie Home” na napapanood tuwing 6PM, Saturday sa ABS-CBN 2.


-0o0-

Pagkatapos matsismis si Bea Binene na lilipat na sa ABS-CBN 2, may bago na siyang serye sa GMA 7 pagkatapos ng isang taon na paghihintay. Magsasama sila sa “Strawberry Lane” ng kanyang boyfriend na si Jake Vargas kasama sina Kim Rodriguez, Joyce Ching, Joanna Marie Tan, Kiko Estrada at Jeric Gonzales.


Nilinaw ni Bea na hindi talaga sila nakipag-usap sa ABS-CBN 2 para lumipat. Tahimik lang daw sila at nandoon din ang panghihinayang niya kung lalayasan niya ang Kapuso network.


Nagbunga naman ang paghihintay niya dahil nabigyan siya ulit ng magandang bagong serye.


Bukod sa may career si Bea, happy pa ang lovelife niya kay Jake. Ang haba ng hair niya dahil naka-tattoo ang pangalan ni Bea sa braso ni Jake. Kahit iniintriga sila, hindi rin sila napaghihiwalay. Napatunayan na raw ni Bea ang sincerity at pagiging seryoso ni Jake sa relasyon nila. Sa rami ng pinagdaanan nila, hindi pa rin siya iniiwan ng guwapong boyfriend.


Bongga! XPOSED/Roldan Castro


.. Continue: Remate.ph (source)



Saan kaya pupulutin kapag hindi na nagpa-sexy?


No comments:

Post a Comment