Thursday, August 28, 2014

Mga bagong bagon, solusyon sa problema sa MRT

IPINAHAYAG ni Metro Rail Transit (MRT) Spokesman Hernando Cabrera na tanging mga bagong bagon ang solusyon sa mga problema sa MRT.


Ani Cabrera, habang wala pang mga bagong tren ang MRT ay pawang mga pansamantalang solusyon lamang ang magagawa nila sa mga problema sa MRT tulad nang pagpapabagal sa takbo ng mga tren sa 40 kph.


Kulang talaga umano ang mga tren dahil mas marami ang sumasakay kaysa sa kapasidad ng mga tren ng MRT.


Tinatayang 560,000 pasahero ang sumasakay ng MRT araw-araw gayung nasa 350,000 katao lamang ang kayang isakay nito.


Darating umano ang mga bagong bagon ng tren sa August 2015. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga bagong bagon, solusyon sa problema sa MRT


No comments:

Post a Comment