Friday, August 29, 2014

Senator Grace Poe, sumakay ng MRT

SUMAKAY kaninang 8:20 ng umaga, Agosto 29, si Sen. Grace Poe sa Metro Rail Transit (MRT) sa Quezon City nang walang kasamang bodyguards.


Bukod pa roon, napansin din agad ng mga netizens na pumila rin ang babaeng senador ng halos sa isang oras sa MRT North Avenue station bago nakasakay mismo ng tren.


Nakita rin na hindi nakaupo bagkus ay nakatayo si Poe kasama ng maraming pasahero.


Bumama ang anak ni Da King sa MRT Pasay station na pinangyarihan ng overshoot ng MRT train noong Agosto 13.


Nakatakdang pangunahan ni Poe ang isang public hearing sa MRT incident sa Setyembre 1, Lunes, alas-10 ng umaga sa Senate Session Hall.


Ang pagsakay ni Poe ay isang araw lamang ang pagitan matapos sumakay si Transportation Secretary Jun Abaya sa MRT, na umani ng pangungutya sa netizens na nagsabi na sumakay dapat sa MRT ang nasabing sekretarya sa oras de peligro o sa sa oras ng rush hour. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Senator Grace Poe, sumakay ng MRT


No comments:

Post a Comment