Friday, August 29, 2014

Taxi driver kalaboso sa panghoholdap sa sarili

DUMULOG sa himpilan ng pulisya ang isang taxi drayber makaraang holdapin diumano ng riding-in-tandem kamalawa ng gabi sa Marikina City.


Nakilala ang drayber na si Richard Mark Brina, 22, may asawa, ng #32 Buntong Palay, Bgy. Silangan, San Mateo, Rizal.


Ayon kay Richard, bandang alas-7:30 ng gabi habang minamaneho niya ang taxi sa kahabaan ng Champaca St., Bgy. Fortune Marikina ay dalawang armadong lalaki ang magkaangkas sa motor ang nangholdap sa kanya.


Agad naman itong nag-report sa pinakamalapit na himpilan ng PCP-15 (Fortune). Subalit nang dadalhin na ito sa Investigation Division ng Marikina PNP ay dito na umamin ang drayber na hindi siya naholdap at sa halip, nagastos niya ang pera na pang-boundary.


Sa ulat ni P/Chief Insp. Edgardo Cayetano, Investigation Division ng Marikina PNP, sasampahan ng kasong estafa ng kanyang operator na si Allan Soleta, 42, ang suspek.


Nang suriin ng may-ari ang taxi na pinapasada ay wala din laman na gasolina ang tangke nito na kung mapupuno ay nagkakahalaga din ng Php 1,500.00.


Sa ngayon, nakapiit ang suspek sa Marikina PNP lock-up jail at kahaharapin ang kasong estafa sa city prosecutors office. Fhritzel Nabaja


.. Continue: Remate.ph (source)



Taxi driver kalaboso sa panghoholdap sa sarili


No comments:

Post a Comment