Sunday, August 31, 2014

Ipon-tubig ng Angat dam, normal na

MATAPOS ang ilang araw na pag-ulan, umabot na sa normal level o 180 meters ang water level ng Angat Dam sa Bulacan.


Sinabi ng PAGASA na ang water level sa Angat, na nagsusuplay ng mahigit sa 90 porsyento ng tubig Metro Manila ay umabot na sa 180.3 meters.


Mas mataas ito ng 2.13 metro sa 178.3 metro na naitala nitong nakaraang Biyernes.


Simula pa noong Mayo, bumaba na ang water levels sa Angat mas mababa sa 180-meter critical level para sa irigasyon, pero hindi bumaba sa 160-meter critical level para naman sa drinking water.


Samantala, tumaas din ang water levels sa iba pang major dams sa Luzon nitong Biyernes kabilang ang Ipo dam na 100.51 meters mula sa 100.23 meters, La Mesa: 79.39 meters mula sa 79.36 meters, Pantabangan na 185.38 meters mula sa 185.11 meters, at Magat: 176.7 meters mula sa 175.94 meters. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Ipon-tubig ng Angat dam, normal na


No comments:

Post a Comment