Friday, August 29, 2014

Sirang ticket machine, escalators ng MRT-3 tumabad kay Poe

PANGUNGUNAHAN ni Sen. Grace Poe sa Lunes, Setyembre 1, 2014 ang pagbusisi sa isyu ng sunod-sunod na kapalpakan sa MRT-3.


Kasabay nito, hinikayat ng solon ang mga opisyal ng MRT na subukang sumakay dito para maranasan nila kung anong mga problema ang kinakaharap ng mga mananakay sa araw-araw.


“I will chair the hearing on Monday regarding the state of the public transport sector and i needed to experience first hand what our passengers go through so I can ask the right questions,” ani Poe.


Ikinagulat subalit ikinatuwa ng commuters ang presensya ng bagitong solon na nakihanay sa mahabang pila na inabot ng 40-minuto bago makarating sa ticket window.


Walang VIP treatment sa solon na nakasuot ng maong na pantalon at puting t-shirt.


Bukod sa mahabang pila, tumambad sa senador ang sirang ticket machine at mismong siya’y nabiktima nang maipit ang kanyang ticket.


Mabilis naman aniyang rumesponde ang guwardiya ng MRT at binuksan ang ticket machine.


Tumambad din sa solon ang sirang escalator sa unang istasyon ng MRT maging sa Taft-Pasay, huling istasyon ng MRT3.


“Some passengers also told me the elevators in some stations don’t work and PWDs are having trouble getting to the station,” aniya.


Inabot aniya ng isa’t kalahating oras ang biyahe nito mula sa North Ave. hanggang sa Pasay station.


Sa kabila aniya nito, marami pa rin sa commuters ang nagsabi na tatangkilikin pa rin nila ang pagsakay sa MRT dahil mas mabilis kesa sa ordinaryong transportasyon.


Magugunita na nadiskaril ang isang train ng MRT-3 noong Agosto 13, 2014 sa EDSA-Taft station na ikina-ospital ng may 40 katao. Linda Bohol


.. Continue: Remate.ph (source)



Sirang ticket machine, escalators ng MRT-3 tumabad kay Poe


No comments:

Post a Comment