Thursday, August 28, 2014

KABULUKAN SA BULACAN INILALANTAD NA (2)

IPAGPATULOY natin, parekoy, ang pagtalakay ukol sa kabulukan sa panlalawigang pamahalaan ng Bulacan.


Muli, sasabihin nating bukas ang espasyo ng Burdado sa sinomang madadawit sa mga anomalya na ating inilalathala batay sa email na natanggap natin.


Hindi natin sinasabing totoo ang mga bintang dito subalit pinakamainam na malantad ang mga ito para malaman ang katotohanan o kasinungalingan dito.


Sabi ng email: “Labag sa Procurement Law (RA9184) ang kanilang ginagawa, pikit-mata ang COA Bulacan kasi kay patong din. Marami pang pinoprosesong tseke na puro ganyan ang amount. Simula pa noong umupo sila ganyan ang ginagawa, chop-chop.


Katakot-takot ang binibiling gamot para sa mga ospital pero wala namang gamot na ibinibigay sa mga district hospital.


Ang mga transaksyon na nakatala sa kalakip na listahan ay ilan lamang po sa mga patunay na ninanakaw ng mga pinuno sa governors office at treasurer’s office ang mga milyong halaga kasabwat si Gng. Blanca Abuan na siyang tiga-ikot ng mga dokumento sa signatories sa kasunduan na 15% ng kabuuang halaga ay kanyang kukunin bilang kanyang komisyon at ng ibang pang dinaanan ng mga dokumento.


Hindi lamang po mga gamot at medical supply ang kanilang ginagamit upang makapagpalusot at makapagnakaw ng malaking halaga.


Ginagamit nila na kunwari ay biniling construction materials na madaling sabihin na nai-dispose at naipamahagi na.


Ang treasurer ‘s office ni ni Belinda Bartolome at ang governor’s office ni Gov. Williy Alvarado ang sangkot sa pangungurakot.


Nag-violate sila sa batas.


1. Hindi dumaan sa public bidding (ang mga transaksyon), gayong kung susumahin ay daang milyon ang halaga;


2. Malinaw na hinati-hati lamang ang halaga ng isang transakyon (splitting) na labag sa Procurement Law;


3. Isang supplier lamang ang binibigyan ng Award; at


4. Hindi naipo-post sa PHILGEPS ang mga transakyon.


O magpaliwanag kayo! BURDADO/Jun Briones


.. Continue: Remate.ph (source)



KABULUKAN SA BULACAN INILALANTAD NA (2)


No comments:

Post a Comment