SABI nila, ang pinakamalaking pagwawagi ng demonyo ay ang paniwalain ang mga tao na hindi siya totoo – that he does not exist.
Ikaw ba? Naniniwala ka ba na may demonyo? ‘Yan ang nakalulungkot. Marami kasi ang naisahan ng demonyo at ‘di na naniniwala na totoo si Satanas at iba pang evil spirits.
Kaya tuloy, ang gulo na ng mundo. Tumingin ka sa iyong paligid. Karahasan. Kriminalidad. Panggagahasa, atbp. Marami pa na kamag-anak ang salarin o may kagagawan. Iba na talaga ang mundo, sabi nila.
Natural ‘pag hindi ka naniniwala na may demonyo, hindi ka conscious, ‘di ka handa at ‘di mo pinoprotektahan ang iyong sarili laban dito.
Nasa ating harapan na ang lahat ng ebidensya ng pagiging aktibo ng demonyo sa ating lipunan, maging hanggang sa ating mga tahanan. Ngunit bulag pa rin tayo … o nagbubulagbulagan at ayaw bumitiw sa tamis at sarap na dulot ng mga masamang gawain natin.
Mapalad kami sa Diocese of Antipolo. Mabuti na lang at bukas ang mata ng aming Obispong si Gabriel Reyes at ng aming kaparian.
Kailan lamang ay tinatag ni Bishop Gabby ang Deliverance Ministry sa aming diyosesis.
Tinalaga niya noong Agosto 4 lamang ang apat na pari bilang mga exorcist priest: 1. Fr. Jeffrey Benitez Quintela ng parokya namin sa San Isidro Labrador, Nangka, Marikina; 2. Fr. Michael Balatbata, Antipolo Cathedral; 3. Fr. Rommel Felizardo, Our Lady of the Abandoned Parish, San Roque, Marikina; 4. Fr. Mark Anthony Naval, John Paul II Minor Seminary.
Hindi biro ang maging exorcist priest dahil kailangang wala kang bahid. Alam kasi ng demonyo ang pinakatinatago nating sikreto at gagamitin nila ito sa labanan. Kaya hindi lahat ng pari ay pwedeng maging exorcist.
Manalangin tayo na mapagtagumpayan ng apat na paring ito, sampu ng iba pang exorcist priest sa ibang diocese, ang mga demonyo sa mga taong napo-possess nito.
Kailan lamang daw ay 50 demonyo ang napalayas ni Fr. Jeff Quintela sa isang babaeng possessed ng demonyo. Ito ay ginanap mismo sa simbahan ng San Isidro Labrador. Naikwento lamang ito sa amin ni Fr. Nonoy na humingi ng dasal para sa mga kaparian.
Ngayon, ‘di ka na dapat magtataka na balot ng kasakiman at kademonyohan ang mga grupo ng ISIS (Islamic State of Iraq and Syria), Abu Sayaff, mga grupo sa Gaza, mga bully sa West Philippine Sea, atbp.
Ano sa palagay mo? ABISO/Paul Edward P. Sison
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment