Saturday, August 30, 2014

Usec. Valte, tinanggap ang ice bucket challenge

CHALLENGE ACCEPTED!


Ito ang tugon ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte sa naging hamon ni ABS-CBN news anchor Ted Failon sa kanilang tatlong tagapagsalita ni Pangulong Benigno Aquino III na mag-ice bucket challenge.


Iyon nga lamang ay hindi magpapabuhos ng malamig na tubig o yelo si Usec. Valte dahil 24 oras lamang ang palugit para gawin ang hamon kundi magdo-donate ito ng maliit na halaga sa Philippine General Hospital (PGH) kung saan mayroong pasyente na may ALS (amyotrophic lateral sclerosis).


“Challenge accepted, so… ‘Yung, ano lang po, the donation will be made to… Meron po pala tayong… Napag-alaman ko rin po na meron po tayong mga pasyenteng merong ALS (amyotrophic lateral sclerosis) sa PGH (Philippine General Hospital), doon sa neuro ward. So dahil wala pa naman pong lunas ‘yung sakit na ALS, naisip ko po na magandang halimbawa ‘yung ginawa ni Brother Armin Luistro at ni Secretary (Dinky) Soliman na doon po mag-donate para doon sa nagiging bills ‘nung mga pasyente ng ALS natin naman dito. Kumbaga, ‘yung mga meron nang sakit, magbibigay na lang po tayo ng maliit na donasyon para po sa kanila,” ani Usec. Valte.


Ipinaliwanag ni Usec. Valte na hindi dapat mag-alboroto ang mga taong umaapela sa pamahalaan na sa halip na patulan ang ice bucket challenge at mag-donate ng $100 sa ALS foundation ay ituon na lamang ito sa mga mahihirap na bossing ni Pangulong Benigno Aquino III.


Aniya, dapat na malaman ng pubiko na may mga Filipino o boss si Pangulong Aquino na nasa PGH ngayon at nakikipaglaban sa kanilang sakit na ALS.


“Pwede rin po siguro ‘yon dahil it’s also for the same cause at nakakatulong din po tayo doon sa mga Pilipinong meron pong dinadalang ganitong sakit,” aniya pa rin sabay sabing “Yung mga pasyente po naman natin sa PGH ang makakakuha ‘nung ating magiging tulong.” Kris Jose


.. Continue: Remate.ph (source)



Usec. Valte, tinanggap ang ice bucket challenge


No comments:

Post a Comment