MAGLALABAS ng guidelines o mga panuntunan ang Department of Health (DoH) na gagamitin sa pag-handle ng mga bangkay ng mga posibleng maging biktima ng Ebola Virus Disease (EVD).
Ayon kay DoH Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, isinasapinal na nila sa ngayon ang mga naturang guidelines.
Ang naturang aksyon ay bilang bahagi ng paghahanda ng bansa hinggil sa posibilidad na makapasok sa bansa ang nakamamatay na sakit na kasalukuyang namiminsala sa West Africa.
Layunin nito na malimitahan ang tiyansa na ma-expose o malantad sa bangkay ng Ebola victim ang isang indibidwal partikular na ang mga nagha-handle sa mga ito.
“The guidelines are already set to be completed. We want to come out with it since the dead remains to have the capability to spread the disease, through its secretion,” aniya pa. “We want everything prepared already before anything comes up.”
Plano rin aniya nila na i-pattern ang naturang guidelines sa panuntunang ipinatutupad ng World Health Organization (WHO). Macs Borja
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment