Friday, August 29, 2014

Pusher utas sa PDEA

TIGBAK ang isang hinihinalang drug pusher matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philipppine National Police (PNP) habang inaaresto sa isang buy-bust operation sa Misamis Oriental nitong nakalipas na Agosto 27, Miyerkules.


Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang nasawing suspek na si Lani Matabalao, alyas “Long Hair”, 29, lalaki, ng Zone 5, Barra, Opol, Misamis Oriental.


Naganap ang shootout makaraang makatunog na otoridad ang kanyang katransaksyon sa Vamenta subd., Barra, Opol, Misamis Oriental.


Matapos iabot ni Matabalao ang hinihinalang shabu sa isang PDEA poseur-buyer kapalit ng pera, dito na nakipagbarilan ang una sa mga otoridad matapos malaman na ahente pala ito ng PDEA.


Naisugod pa ang sugatan biktima sa pinakamalapit na ospital subalit idineklara itong dead-on-arrival ng mga manggagamot.


Narekober mula sa suspek ang P64,000 halaga ng tatlong plastic sachets ng shabu na may timbang na walong gramo, isang magnum .357 revolver na may tatlong bala, iba’t ibang drug paraphernalia at P500 buy-bust money. Santi Celario


.. Continue: Remate.ph (source)



Pusher utas sa PDEA


No comments:

Post a Comment