Friday, August 29, 2014

Magnanakaw nakonsensya, sumuko

KALABOSO ang dalawang magnanakaw nang makonsensya at aminin ng isa sa mga suspek ang ginawang pagnanakaw sa kalugar sa Caloocan City, Huwebes ng madaling-araw, Agosto 28.


Nakilala ang mga suspek na sina Paul Jason de Guzman, 22, at Raffy Fortez, 16, kapwa ng Libis Talisay ng lungsod.


Sa ulat, alas-2 ng madaling-araw nang sapilitang binuksan ang pinto ng tindahan ni Rolanda Miraflor, 60, sa nasabing lugar kung saan nang makapasok ay kinuha ang cellphone ng biktima, sabon na safeguard at kitang P1,000 saka nagsitakas.


Alas-11 ng tanghali, bagong paligo pa si De Guzman gamit ang sabon na dinugas ay nakonsensiya umano at nagpunta sa biktima bago inamin ang ginawang kasalanan at itinuro si Fortez na kasabwat dahilan upang dakpin ng mga tanod at dalhin sa presinto. Rene Manahan


.. Continue: Remate.ph (source)



Magnanakaw nakonsensya, sumuko


No comments:

Post a Comment