POSIBLE makakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob ng 24-oras.
Ayon sa PAGASA, asahan pa rin ang maulap at katamtamang mga pag-ulan at thunderstorms sa Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, at Western Visayas.
Mahina hanggang sa katamtamang lakas ng hangin naman ang mararanasan sa bahagi ng Palawan, Visayas at Mindanao, mula sa kanluran kanlurang-silangan ng malaking bahagi ng Luzon.
Ang alon sa mga coastal waters sa buong bansa ay mananatiling mahina hanggang sa katamtaman.
Sa kabila ng pag-ulan na nagdulot ng pagbaha sa ibang lugar sa bansa nitong nakaraang araw, maaari pa rin umanong makaranas ng El Niño sa mga susunod na buwan.
Ayon sa Bureau of Meteorology ng Australia, apat sa pitong climate models ng mga ito ang nagpapahiwatig na makararanas pa rin ang bansa ng El Niño sa mga susunod na buwan.
Maari umanong maranasan ang malubhang El Niño sa mga susunod na buwan hanggang sa summer ng 2015.
Aabot umano sa 50 porsyento sa kanilang pagtaya ang tyansa na makararanas ng El Niño ang bansa. Johnny Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment