Friday, August 29, 2014

Mangingisda kritikal sa nguso ng isda

NAGMISTULANG sinibat ang isang mangingisda nang bumaon sa kanyang dibdib ang nguso ng isang malaking isda habang ito’y namamalakay sa karagatan sa Maguindanao kaninang madaling-araw, Agosto 29.


Nasa kritikal na kondisyon ngayon sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sanhi ng pagbaon ng nguso ng isdang Balo-Balo o garfish ang biktimang si Alim Imping, 44, ng Bongo Island, Parang, Maguindanao.


Naganap ang insidente dakong 2 ng madaling-araw sa gitna ng karagatan na sakop ng Bongo Island.


Sinabi ni Parang Mayor Dr. Ibrahim Ibay, bago ang insidente ay pumalaot ang biktima sa karagatan sakay ng bangka para mangisda.


Habang tumatakbo ang bangka at nakatayo ang biktima, biglang may tumalon ng isang malaking balong-balong at tiyempong bumaon ang matulis na nguso nito sa dibdib ni Imping.


Sa kabutihang-palad, may kasama si Imping na isa pang mangingisda na siyang nagsugod dito sa pagamutan. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Mangingisda kritikal sa nguso ng isda


No comments:

Post a Comment