Saturday, August 30, 2014

Batangas, uulanin dahil sa LPA

POSIBLENG makaranas ng pag-ulan ang lalawigan ng Batangas dahil sa papalapit na low pressure area (LPA) sa naturang lugar.


Ayon sa PAGASA, dakong 10:00 ng umaga kanina, Agosto 30, Sabado, ang LPA ay namataan sa layong 390 kilometro ng kanluran ng Ambulong, Batangas.


Bunsod nito, makararanas din ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas at Metro Manila.


Bagama’t tinaya ng PAGASA na hindi naman magiging bagyo ang naturang sama ng panahon at agad itong malulusaw, patuloy pa ring pinapayuhan ng weather bureau ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na mag-ingat dahil sa mga pagbaha o landslide na maranasan dulot ng mga pag-ulan doon. Santi Celario


.. Continue: Remate.ph (source)



Batangas, uulanin dahil sa LPA


No comments:

Post a Comment