Friday, August 29, 2014

Anne payag makipaghalikan sa babae huwag lang kay Solenn

PAGDATING sa pagiging professional na actress ay nangunguna si Anne Curtis. Kapag tinanggap niya kasi ang isang project ay gagawin ang kung anuman ang hinihingi ng istorya.


Kaya naman tinanong siya ng press kung magagawa ba raw niya gumawa ng isang lesbian movie na kung saan may kissing at love scene sila ng magiging kapartner na kapwa babae?


“If ever na maganda at magugustuhan ko talaga ang istorya ng movie, why not? Pero as on now ay wala naman akong natatanggap ng offer about lesbian movie,” say ni Anne.


Kung magkakaroon nga siya at si Solenn Heusaff ang girl na makakahalikan niya sa nasabing movie? Payag ba siya?


“What! Parang incest naman ang labas. Okey lang kahit sino, pero sana hangga’t maaari huwag naman si Solenn,” say pa ni Anne.


Si Solenn kasi ay sister ng boyfriend niya si Erwan Heusaff kaya parang ‘di raw maganda.


Pero gaya nga raw ng sinabi niya na if ever na magustuhan niya ang takbo ng istorya ay hindi na siya mamimili pa kahit sino.


“Magiging choosy ka pa ba? Tinanggap mo na ‘yung project. Kahit na sino kasi wala naman akong mai-suggest na kapwa babae na gustong maka-partner sa isang movie na tumatalakay sa pagmamahalan ng tomboy sa isang babae,” say ni Anne.


Well, if ever na isang tomboy talaga ang maging ka-partner ni Anne sa movie ay siguradong jackpot ito at suwerte. Kasi nasabi nga ni Anne na kapag gusto niya ang isang project ay game siya.


=0=

Ngayon tanggap na tanggap na si BB Gandanghari ng mga kapatid lalo na si Robin Padilla ay wala nang inililihim ang una kapag tinatanong ng press.


Tulad nang muntik na raw siyang magpakamatay nang magpunta ng America dahil sa depression sa lalaking minahal. Kinalasan daw kasi siya ng lalaking minahal noon hindi pa siya tinatanggap or kinikilala ng mga kapatid na isa nang bakla.


Sa Tate niya binalak wakasan ang buhay sa pamamagitan ng magpahulog sa bangin habang nagmamaneho.


Ngayon sa tuwing maaalala niya ang pagpapatiwakal noon ay nagsisisi siya dahil hindi naman daw worth ang gagawin pagpapatiwakal sa lalaking minahal.


Nagkikita pa rin raw sila ng guy sa mga event na napupuntahan niya pero dedma na lang siya at look na lang sa sky kapag ito ay nakasalubong.


Samantalang next month ay magsisimula na silang mag-taping magkapatid na sina Robin at Rommel Padilla sa TV na titled “2 ½ Daddies”.


Ayon pa kay BB, masayang-masaya siya dahil tinanggap na siya ng lubos ng mga kapatid lalo na ni Robin pero hindi lang daw matanggap ni BB ay biro ni Robin na kung magkaka-boyfriend siya ay ‘yung transgender (from female to male) din daw dapat.


Hindi ito matanggap ni BB kahit biro na justification ni Robin na transgender equals to transgender para kaaya-aya dahil opposite sex pa rin at hindi same sex ang kanyang magiging kapartner.


Para kasi kay BB, magagawa raw niyang mamuhay na parang mongha pero iba pa rin raw kung may makakasama siyang magmamahal talaga sa kanya.


***

PERSONAL: Happy birthday sa aking pinakamamahal na ina na si Milagros Guinto Ocampo who celebrated her 81th birthday the other day (August 28). TEKA MUNA/Gerry Ocampo


.. Continue: Remate.ph (source)



Anne payag makipaghalikan sa babae huwag lang kay Solenn


No comments:

Post a Comment