Saturday, August 30, 2014

1,000 OFWs sa Libya, susunduin ng inarkilang barko

MAGPAPADALA ng barko ang Philippine Rapid Response Team (RTT) sa Malta upang sunduin ang 1,000 Pinoy mula Libya na inilikas sa iba’t ibang parte ng Europa.


Ito’y sa kabila ng unang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi na barko ang susundo sa ililikas na overseas Filipino workers (OFW) dahil hindi nasasagad ang kapasidad nito na 1,500 pasahero.


Kinumpirma ni Consul General Leila Lora-Santos ng Philippine Embassy sa Roma na susunduin ang mga Pinoy sa iba’t ibang daungan ng inarkilang barko mula sa Southern Europe na lalayag ngayong Sabado.


Unang hihintuan nito ay ang Benghazi port sa Libya na maraming Pinoy ang inilikas at dadaong sa iba pang lugar na naghihintay ang ilang OFWs.


Samantala, maraming Pinoy na rin ang pansamantalang nailikas sa Malta upang makunan ng flight pauwi naman ng Pilipinas sa pakikipagtulungan ng kanilang mga pinagtatrabahuhang kumpanya. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



1,000 OFWs sa Libya, susunduin ng inarkilang barko


No comments:

Post a Comment