PATAY ang isang 59-anyos na barangay chairman nang barilin ng riding-in-tandem kagabi, Agosto 30, habang nakatigil ang kanyang sasakyan sa red light sa Sampaloc, Maynila.
Namatay habang ginagamot sa UST hospital ang biktimang si Rodrigo Cruz ng District 3 at residente ng 2636 Severino St., Sta. Cruz, Manila sanhi ng tama ng bala sa ulo.
Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo na tumakas matapos ang insidente.
Sa report ni SPO1 Charles John Duran ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 11:50 ng gabi nang naganap ang insidente sa panulukan ng Lacson at Dapitan Sts., Sampaloc, Manila.
Nauna dito, nakaupo sa harapang bahagi ng kanyang sasakyan Isuzu DMax (ZEG 123) na puti ang biktima na minamaneho ng isang Danilo Dela Cruz, 47, habang nasa likurang bahagi nakaupo ang isang Norelito Taruca, 50, nang pagsapit sa nasabing lugar ay huminto ang kanilang sinasakyan nang mag-red light.
Sa naunang ulat, nabatid na mga kagawad ng tserman ang kasama nitong nakasakay sa naturang sasakyan nang maganap ang pananambang.
Isang motorsiklo na magkaangkas na sinakyan ng mga suspek na kapwa naka-helmet ang tumabi sa kanilang sasakyan at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Sa gulat, naglabasan ang kasamahan ng biktima sa sasakyan at humingi ng saklolo.
Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment