Saturday, August 30, 2014

Kampanya vs iligal na droga sa Bauang, pinaigting

PINAIGTING ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Bauang ang kampanaya laban sa paggamit ng iligal na droga dahil sa pagtaas ng bilang ng krimen kaugnay nito.


Unang nailunsad noong 1998, ang programang Bauang Ayaw sa Droga (BAD) upang mahikayat ang pakikipagtulungan ng mamamayan at mga lider para malabanan ang ipinagbabawal na gamot.


Ang kampanya ay pinangunahan ni Mayor Martin De Guzman III kasama ang mga opisyal ng La Union Police Provincial Office, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga kapitan ng 39 barangay ng Bauang.


Ayon kay De Guzman, ang hayagang pagsuporta ng mga lider sa naturang kampanya ay isang paraan para mapangalagaan ang kanilang sariling pamilya at mga residente sa kanilang nasasakupan.


Ayon naman kay Joan Diaz, information officer, ang programa ay muling nailunsad dahil sa tumataas na krimeng dulot ng paggamit sa iligal na droga.


Ayon sa report ni Chief Inspector Benjamin Diagan, Jr. ng Bauang police station, 14 drug personalities na ang nasakote mula Hulyo nitong taon kumpara sa 13 na kasong naitala noong nakaraang taon.


Aniya pa, pangungunahan nila ang malawakang kampanya para masugpo ang lahat ng klase ng krimen partikular na ang pagsupil sa iligal na droga, pagnanakaw at iba pa.


Hinikayat naman ni Chief Inspector Ben Kimmayong of PDEA ang mga mamamayan na i-report sa awtoridad ang mga hinihinala o napatunayang drug pushers at drug traffickers sa kanilang lugar. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Kampanya vs iligal na droga sa Bauang, pinaigting


No comments:

Post a Comment