Saturday, August 30, 2014

ISANG LIBO’T ISANG TUWA

MULA Aparri hanggang Jolo ay milyon-milyon po ang gumagamit ng iba’t ibang uri ng motorsiklo.


Ayon sa pangulo ng Motorcycle Dealers Association of the Philippines (MDAP) na si Edwin Go, halos nasa dalawang milyon ang mga rehistradong motorsiklo rito sa bansa at mahigit isang milyon naman ang hindi nakarehistro.


Kung pagsasamahin ay mahigit sa tatlong milyong katao ang gumagamit ng motorsiklo.


Sa tagal ng panahon, tulad na lamang ng tinatawag na carpool kung saan magsasama-sama ang ilang tao para sumakay sa isang sasakyan para makatipid ng pamasahe at gasolina, ito rin ay ginagawa ng mga may motorsiklo.


Kaya naman marami ang umalma sa panukala ni Sen. Vicente Sotto III na NO RELATION, NO BACK-RIDE POLICY.


Kawawa na naman ang mga naka-2-wheel.


Dahil pa rin sa lintik na riding-in-tandem kung bakit naisip ito ng senador.


Dahil sa mga krimen ng mga riding-in-tandem na dapat sana’y ang mga pulis ang namomroblema at ‘di ang mga naka-2-wheel.


Ang tanong ko lang, wala pa bang krimeng isinagawa ng magkapatid, mag-ama, o magpinsan?


Sigurado ba tayong magiging epektibo ito at makatutulong sa peace and order o pasakit lang ito sa marami nating kababayan na gusto lamang ay makatipid at mapabilis ang kanilang biyahe papunta sa kanilang importanteng destinasyon?


Wala bang krimeng ginawa na ang gamit na sasakyan ay kotse, van, o maging truck? Ang daming krimen diyan na ang salarin ay nakayapak lang.


Simpleng lumakad lamang palayo sa pinangyarihan ng krimen pero hindi pa rin mahuli minsan.


Baka pwede pang dumaan sa konsultasyon muna ang inyong panukala?


Parang variety show na lang tayo kung ganito. May matatawa’t may maiiyak. INSIDE MOTORING/Eggay Quesada


.. Continue: Remate.ph (source)



ISANG LIBO’T ISANG TUWA


No comments:

Post a Comment