Thursday, August 28, 2014

Sekyu nagpatiwakal sa pag-ibig

DAHIL sa pag-ibig, isang security guard ang nagbaril sa ulo sa loob mismo ng paaralang kanyang pinagtratrabahuhan sa bayan ng Santiago, Ilocos Sur.


Ang biktimang si John Rey Rocero, 30, security guard ng Santiago National High School, at taga Barangay Sibsibu, San Emilio, Ilocos Sur ay nagpakamatay gamit ang kanyang service firearm.


Sa imbestigasyon ng Santiago-PNP sa pangunguna ni Chief of Police, Police Senior Inspector Roderick Vintero, itinawag umano sa kanila ng kasamang sekyu ng biktima na si John Rubero na ang nangyari sa biktima.


Ayon kay Vintero, problema sa lovelife ang dahilan sa pagpapakamatay ng biktima base sa hawak nilang suicide note sa log book ng security guard at ang larawan nilang magkasintahan.


Gayunman, idadaan pa rin nila sa masusing imbestigasyon ang nasabing pangyayari upang malaman ang katotohanan sa pagpapakamatay ni Rocero. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



Sekyu nagpatiwakal sa pag-ibig


No comments:

Post a Comment