Thursday, August 28, 2014

Naglilipanang mga ibon sa Iloilo Airport, pinangangambahan

GINAGAWAN na ng paraan ng airport authorities ang pagdami ng mga ibon sa Iloilo Airport na magdudulot ng sakuna sa Cabatuan.


Pinangangambahang magdulot ng problema sa mga flight ang tinatawag na ‘bird strike’ o ang pagkakabangga ng ibon sa eroplano lalo na sa makina nito na maaring magdulot ng seryosong problema.


Ayon kay Engr. Percy Melonicio, airport manager, hindi lamang sa Iloilo Airport nararanasan ang ganitong problema kundi maging ang ibang paliparan din.


May mga panahon umano sa bawat taon na dumadami ang mga ibon sa paliparan.


Kabilang sa mga ibon na ito ay ang Philippine Heron at ang iba naman ay mga migratory birds.


Para naman maiwasan ang pagdami ng mga ito, ini-schedule na lamang sa gabi ang pag-trim sa mga damo at halaman sa paliparan dahil kapag sa araw lalo na kapag gumagamit sila ng lawn mower, dumadami ang ibon sa airport dahil hinahabol ng mga ito ang mga uod sa pinutol na mga damo. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Naglilipanang mga ibon sa Iloilo Airport, pinangangambahan


No comments:

Post a Comment