TULOY ang suspensyon kay Senador Jinggoy Estrada matapos ibasura ng Sandiganbayan ang apela nito kaninang umaga, Agosto 29.
Katwiran ng Sandiganbayan Fifth Division, malinaw na may probable cause ang kasong plunder laban sa senador at may sapat na porma at batayan ang reklamo ng Ombudsman.
Sa motion for reconsideration (MR) ni Estrada, binanggit nitong nais lamang ng prosekusyon na mapagkaitan ng representasyon ang kanyang constituents.
Pero giit ng Sandiganbayan, wala itong basehan at wala ring bagong argumentong inihain si Estrada para baliktarin ang nauna nilang desisyon.
May 90-araw o tatlong buwan ang ipinataw na suspensyon sa mambabatas.
Nahaharap sa kasong plunder si Estrada dahil sa multi-bilyong pisong pork barrel scam at nananatili itong nakakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame. Robert Ticzon
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment