Thursday, August 28, 2014

2 sundalo dinukot ng mga rebelde

KASALUKUYANG naglulunsad ng rescue and pursuit operations ang militar upang mailigtas dalawa nilang kasamahan na umano’y dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Bontongon, Impasug-ong, Bukidnon.


Kinilala ang mga biktima na sina Private First Class (PFC) Marnel Cinches at Jerrel Yorong, kapwa aktibong miyembro ng 8th IB Philippine Army na nakabase sa Bukidnon.


Ayon kay 8th IB spokesperson 1Lt. Norman Tagros, dinukot ang mga biktima matapos pakipag-ugnayan sa mga residente na magsisilbi sanang benepesaryo ng peace and development program ng pamahalaan.


Sinabi ni Tagros na papauwi na ang mga biktima sakay ng motorsiklo nang harangin ng apat na mga rebelde pagdating sa Barangay Bontongon at puwersahang dinala sa kota ng mga ito.


Nakasibilyan lamang umano ang mga biktima nang madukot ng mga rebelde.


Kaugnay nito, inihayag ni Tagros na dalawang hakbang ang kanilang ginawa na kinabilangan ng search and rescue operation at paghingi ng tulong sa relihiyosong sektor para sa madaliang pagkaligtas ng mga biktima.


Una nang kinumpirma ng isang nagngangalang Allan Juanito sa nasabing kilusan na bihag umano nila ang mga biktima at nasa mabuting kalagayan.


Napag-alaman na ang Barangay Bontongon ay katulad na lugar rin kung saan napatay si Impasug-ong town Mayor Mario Okinlay noong Hulyo 2, 2014. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



2 sundalo dinukot ng mga rebelde


No comments:

Post a Comment