CABA, LA UNION – inaresto ng local Philippine Coast Guard (PCG) ang 26 na mangingisda na nahuling nagsasagawa ng “trawi fishing” sa karagatan ng bayan ng Caba sa nasabing lalawigan.
Pinagsanib na yebro ng PCG at Caba Munucipal Police Station ang umaresto sa mga mangingisda na sakay ng fishing vessel.
Nakumpiska ng mga otoridad sa mga suspek ang kagamitang pangisda at limang malalaking banyera na may lamang iba’t ibang klase ng isda na umaabot sa mahigit 150 kilos.
Ang mga nasabing isda ay ipinamahagi umano sa mga bilanggo matapos maidokumento na nagsilbing ebedensya laban sa mga suspek na pawang taga-Pangasinan.
Ayon sa pulisya, wala umanong maipakitang legal papers ang mga suspek na nagpapahintulot silang mangisda sa nasabing lugar.
Mahigpit na pinagbabawal sa La Union ang trawi fishing sa pagitan ng 15 kilometer mula sa dalampasigan hanggang sa gitna ng karagatan dahil nakasisira ito ng mga corals at halamang-dagat na nagsisibing bahay ng mga isda. Allan Bergonia
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment