Friday, August 29, 2014

Bicutan policewoman, hinoldap ng mga bagets sa Isabela

HINOLDAP ng apat na probinsyanong bagets sa Isabela ang isang babaeng parak na nagmula sa Metro Manila nitong Huwebes ng gabi, Agosto 28.


Ayon sa Santiago City Police Office (SCPO), ang biktima ay nakilalang si P02 Lely Letac, 34, miyembro ng Bicutan Regional Safety Batallion at tubong Mountain Province.


Natangay sa biktima ang dala niyang P20,000 cash, ATM at bag na naglalaman kanyang mga gamit.


Hinahanting na ngayon para panagutin sa krimen ang mga suspek na innilarawang 17-19-anyos.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 10:45 nitong Huwebes ng gabi sa may national highway ng Santiago City.


Ayon sa biktima, kababa pa lamang niya mula sa isang pampasaherong bus galing Metro Manila nang palibutan siya ng mga suspek.


Dahil hindi niya dala ang kanyang service pistol, hindi na nanlaban pa ang biktima at ibinigay na lamang niya ang hinihingi ng mga suspek. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Bicutan policewoman, hinoldap ng mga bagets sa Isabela


No comments:

Post a Comment