Saturday, August 30, 2014

Bangkay isinemento sa drum

ISANG salvage victim ang natagpuang nakasilid sa plastic drum na isinimento pa upang ikubli ang krimen sa Quezon City kaninang umaga, Agosto 31.


Ang hindi pa kilalang bangkay na hindi rin matukoy ang kasarian ay nasa state of decomposition na.


Sa ulat, natuklasan ang bangkay dakong 6:25 ng umaga sa loob mismo ng Santiago subd. sa may Bgy. Sta. Monica, Q.C.


Ayon sa Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, bago ang pagkakatagpo sa bangkay, may nagreklamong mga residente hinggil sa nakasusulasok na amoy na nagmumula sa isang bakanteng lote na malapit sa clubhouse ng kanilang subdibisyon.


Ipinagbigay-alam naman agad ni Susan Dequiña, naka-duty na opisyal ng Barangay Sta. Monica ang reklamo sa QCPD na rumesponde sa lugar.


Sinundan ng mga awtoridad ang amoy na nagdala sa kanila sa isang abandonadong plastic drum at kinalauna’y natuklasan nilang isang bangkay pala ng tao ang nakasemento sa loob ng nasabing drum.


Hinihinala ng CIDU na sa ibang lugar pinatay at isinemento ang biktima saka itinapon sa loob ng nasabing subdivision para ilihis ang kanilang gagawing imbestigasyon.


Tantiya rin ng CIDU na may isa hanggang dalawang araw nang nasa lugar ang drum at natuklasan na lamang nang magsimulang umalingsaw ang amoy ng nasabing bangkay. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Bangkay isinemento sa drum


No comments:

Post a Comment