KUMPIYANSA si Senate Pres. Franklin Drilon na maipapasa ng Kongreso ang kontrobersyal na anti-dynasty bill dahil suportado ito ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ito ang panukalang batas na nagbabawal sa mga magkakamag-anak na politiko na manunungkulan sa gobyerno ng sabay-sabay.
“Sa Senado po, amin pong maipapasa ang anti-dynasty bill. Sa aking tingin, susuportahan naman ito ng aking mga kasama sa Senado dahil makabubuti ito sa estado ng ating politika,” ayon kay Drilon.
“I would like to believe that my colleagues in the Senate understand how important the end of political dynasties would be to the progress of Philippine governance. Support for the measure among senators would not be hard to achieve,” dagdag pa ni Drilon.
Sa ngayon ay nasa plenaryo na ng Kamara na ang anti-political dynasty bill o House Bill 3587 na suportado din ni House of Representatives Speaker Feliciano Belmonte, Jr.
Giit pa ng lider ng Senado, agad nilang tatalakayin ang panukala sa oras na maisumite ito sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Linda Bohol
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment