Friday, August 29, 2014

No visitors allowed pa rin si Kuya Boy

RECUPERATING na ang King of Talk na si Boy Abunda after his operation sa kanyang liver.


Na-confine ng mahigit one week si Kuya Boy sa St. Luke’s Global and no visitors were allowed.


Syempre sa rami ng mga kaibigan ni Kuya Boy, marami ang gustong makita ang kalagayan niya nang personal at gusto siyang dalawin. Kaya lang baka imbes na magpahinga, e, mabulabog ng husto hindi lang si Kuya Boy pati na ang ibang pasyente sa naturang ospital. Kaya ang karamihan sa kanila, hindi man lahat, ay nagpadala na lang ng bulaklak at prutas.


Dahil d’yan, nagmistulang flower shop at tindahan ng prutas ang confectionery section ng ospital kung saan doon inilagay ang mga padala ng mga nagmamahal sa King of Talk.


From the hospital, nabalitaan naming na nagpapahinga at nagbabawi ng strength si Kuya Boy sa kanyang resthouse sa Tagaytay. Malamang kasama niya sa Tagaytay ang kanyang butihing una na si Nanay Lesing. Si Nanay Lesing ang dahilan kaya bumili ng bahay sa Tagaytay si Kuya Boy.


Pumayat daw si Kuya Boy after his operation ayon sa aming source. Umabot daw sa 20 pounds ang nawalang timbang ng TV host/manager. But now, unti-unti raw na nagkakaroon ng gana sa pagkain si Kuya Boy at bumabalik na rin ang sigla ng kanyang katawan.


Any moment baka biglain na lang ni Kuya Boy ang televiewers sa kanyang pagbabalik sa telebisyon. Abangan na lang natin sa Sunday kung uunahin ba niyang magpakita sa televiewers sa “The Buzz” or anytime next week sa “Aquino & Abunda Tonight” siya sasalang.


-ooOoo-

Speaking of “Aquino&Abunda Tonight,” nakakatuwa naman ang gesture ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na humarap na sa “nakaalitang” ex-girlfriend at host ng show na si Kris Aquino.


Pinatunayan lang ni Mayor Bistek how gentleman he is and showed us na wala siyang intensyong saktan si Kris sa naging pahayag niya sa nakaarang interbyu sa pag-prioritize niya sa kanyang mga anak more than his personal feelings.


Unlike Kris past showbiz relationships, si Mayor Bistek lang ang matapang na humarap kay sa Queen of All Media at ngayon ay naging maganda ulit ang relasyon.


For the record, si Bistek ang ikalawa mayor sa Metro Manila ang opisyal na nakarelasyon ni Tetay. Ewan lang kung hanggang saan umabot ang pagkaka-link noon ni Kris kay Makati Mayor JunJun Binay.


Anyway, sana ituloy ni Mayor Bistek ang plano niya na ang Quezon City local government na ang “sumalo” sa Cinemalaya next year. For sure, bobongga ang Cinemalaya kapag si Mayor Bistek na ang namahala. SWAK NA SWAK/Julie E. Bonifacio


.. Continue: Remate.ph (source)



No visitors allowed pa rin si Kuya Boy


No comments:

Post a Comment