Thursday, August 28, 2014

PULISYA DAPAT MAGPAKITA NG KATAPATAN SA MAMAMAYAN

MALAKAS ang ating kaba, parekoy, sa naganap na pamamaril sa kasamahan nating si Orly Navarro na komentarista at station manager ng DWIZ-Dagupan City.


Gayundin sa lumabas na katotohanan sa pagpatay kay Enzo Pastor, ang champion natin sa car racing.


Sa pagbaril kay Navarro, may silencer ang ginamit na armas.


Wala ngang nakarinig na may pumutok na baril sa paligid ni Navarro nang maganap ang krimen dahil sa silencer na ‘yan.


King-ina, sino ang hindi kakabahan sa ganitong estilo na hindi mo man lang mamalayan na may pumapatay na pala sa iyo dahil sa may silencer na baril?


Kung mauso nang mauso ito, lalong madaragdagan ang kainutilan ng mga awtoridad na resolbahin ang krimen sa pamamaril.


Mahirap silang makalutas ng krimen dahil halos walang magiging testigo.


Ang pag-asa na lang nila ay ang siyentipikong pagkapa sa mga ebidensya gaya ng pag-match ng bala sa baril na pinanggalingan nito.


Eh, kung loose firearm ang baril, paaano?


Maaaring mawalan ng saysay ang sinasabi ng PNP na makipag-ugnayan sa kanila ang mediamen kung may banta sa kanilang buhay.


Isa pa, parekoy, paano natin matitiyak ang kaligtasan sa kamay ng mga awtoridad kung lalabas na mga pulis din pala ang mga killer, gaya ng nangyari kay Pastor?


King-ina, paano kung ang ipadadala na poprotekta sa iyo ay siya palang uutas sa iyo…at gagamit pa ng silencer para matodas ka nang walang kalaban-laban?


Tinatawagan natin si PNP Chief Director General Alan Purisima na mabilis na aksyunan ang pangyayari kay Navarro.


Lalo na kung isipin natin na hindi lang mediamen ang magiging biktima rito. Lahat, kasama na ang mga politiko at ordinaryong mamamayan ay magiging biktima rito.


Ang isang magandang gawin ay alamin ng pulisya ang imbentaryo ng mga ligal na silencer at hanapin na rin ang mga iligal, kasama na ang mga gumagawa nito.


Unahin na silipin ng mga awtoridad ang mga pulis, sundalo at iba pang naisyuhan ng silencer at kung pupwede ay isabay na rin ang mga pinaghihinalaang may hawak nito.


Hindi maaaring maghari ang kamatayan sa kahit kanino sa kamay ng mga hijo de putang traydor na gumagamit ng baril namay silencer. BURDADO/Jun Briones


.. Continue: Remate.ph (source)



PULISYA DAPAT MAGPAKITA NG KATAPATAN SA MAMAMAYAN


No comments:

Post a Comment