Thursday, August 28, 2014

MAIKLING PAGLALAHAD TUNGKOL SA MANILA BAYANIHAN ADVOCACY CAMPAIGN

SA ngayon, ang Department of Environment and Natural Resouces (DENR) sa pangunguna ni Secretary Ramon J.P. Paje at ni Executive Director Antonio Noel Gaerlan ng Manila Bay Coordinating Office (MBCO), kasama ang 12 mandamus na ahensya, LGUs at stakeholders, ay naglunsad ng unified advocacy brand identity ang “Manila Bayanihan: Para sa Kalinisan”, ang unified advocacy brand identity, ay nagnanais na ideklara ang pagkakaisang responsibilidad para sa ikaaayos ng Manila Bay.


Maliwanag lamang na ipinakikita rito na kailangang ituon ang pagpapaunlad sa kapaligiran upang makinabang sa pag-unlad ang Manila Bay, na sa paraang ito ay maipakikita ang pagkakaisa, partisipasyon, na nagpapakilala sa kahalagahan ng ugaling Pilipino na tinatawag nating “Bayanihan.” na sumasalamin din sa pagsusulong sa lahat ng sektor panlipunan upang paunlarin at baguhin ang Manila Bay.


May mga hanay ng aktibidad na akma sa gagawing paglulunsad sa programa araw-araw. Kasama dito ang pag-ere sa iba’t ibang programa sa radyo ang Manila Bayanihan jingles, (mapapakinggan araw-araw sa programa: HEALTH & TRAVEL @ SERBISYO PUBLIKO sa DWBL 1242 at DWSS 1494 kHz, AM Band). Mapapanuod ang TVCs sa mga sinehan, gayundin ang pagsasabit ng tarpaulin na dala ang brand name sa mga kilalang lugar at daanan ng maraming tao sa buong Metro Manila, Region 3 at Region 4A.


Ang Advocacy brand recognition at pagkakakilanlan ang magsisilbing unang hakbang tungo sa lalo pang epektibong pagkakaisa para sa pagsasaayos ng Manila Bay.


Maliban pa sa mga nabanggit, naglalayon din ang naturang adbokasiya na, maturuan ang mga magkakatuwang at ang komunidad na maging maalam sa pagsasaayos ng mga daluyang tubig gayundin ang karagatan upang sumuporta sa pagpapalawak ng pagbabagong panlipunan nang maitatag ang tinatawag na social capital.


”Ang ating panawagan….. MAKIISA, TUMULONG SA MANILA BAYANIHAN! ANG INYONG LINGKOD/Dr. Hilda Ong


.. Continue: Remate.ph (source)



MAIKLING PAGLALAHAD TUNGKOL SA MANILA BAYANIHAN ADVOCACY CAMPAIGN


No comments:

Post a Comment