Thursday, August 28, 2014

MAHIRAP KALABAN SI PNOY

MUKHANG may ugali itong si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino na hindi nagpapatalo.


Ito ang kitang-kita sa kanyang inaasal sa ngayon lalo na’t kaliwa’t kanan na ang upak sa kanya ng iba’t ibang sektor na dati rin niyang nakasama at kakampi noong 2010 election.


Ayaw ni PNoy na nasosopla siya o napahihiya sa madla kaya ang palagian niyang ginagawa ay binabalikan niya ang kanyang mga kaibayo maging ito ay sa politika man o sa ibang parte ng kanyang pang-araw-araw na buhay.


Kitang-kita ang ginawa nitong pag-alma sa Korte Suprema at iyan daw ang rason ng Pangulo para amyendahan ang Saligang Batas ng bansa.


Pumalag naman ang IBP o Integrated Bar of the Philippines na may 55,000 miyembrong abogado sa posisyong ito ni PNoy kaya umasa tayong lalong ipipilit ng anak ni Tita Cory ang pag-amyenda sa Konstitusyon para mahawakan sa leeg o makontrol ang Kataas-taasang Hukuman.


Sa maikling salita, ang gusto ni PNoy na ang kanyang lahat na gawin at sabihin ay aayon ang lahat kaya ito ang lubhang nakatatakot dahil posibleng mapunta tayo sa panahon ng diktaturya.


Ayaw nina Ninoy at Cory ang palakad ni Marcos noong dahil diktador daw pero kitang-kita sa kanyang anak na si PNoy kung paano inaaplay sa kasalukuyan.


Kapag kontra ka nang kontra sa kanyang pamamalakad ay peke ka ng reformist at kalaban ka na ng estado pero kapag sumasang-ayon ka sa kanyang mga gusto ay good na good kayo.


Nasa demoksrasya ang ‘Pilipinas dahil ito ang gusto ng mga mamamayan kaya rito dapat sumunod si PNoy dahil ang nasabing Saligang Batas ng bansa ay ang siya ring sinunod ng mga nakaraang Pangulo na naging magalang sa Konstitusyon na ginawa noong panahon ng kanyang inang si Cory Aquino. ALINGAWNGAW/Alvin Feliciano


.. Continue: Remate.ph (source)



MAHIRAP KALABAN SI PNOY


No comments:

Post a Comment