Thursday, August 28, 2014

Luis pinahihinto ni Edu sa pag-aartista

HINDI rin nakaligtas si Edu Manzano sa hamon ng mga kaibigan na sumalang din sa ice bucket challenge. Sa taping ng Face the People kung saan isa si Edu sa tatlong host kasama sina Gelli de Belen at Tintin Bersola-Babao, sinabi ng una na sasalang din siya kasama ang mga anak na sina Andi at Enzo sa naturang challenge.


“We will accept the challenge, pero hindi pwede si Luis (Manzano) dahil busy ito kaya ang mga kapatid niya na sina Andi at Enzo na lang muna,” say ni Edu na parang hindi tumatanda.


He will turn a year older next month. At super proud niyang sinabi na 58-years old na siya ngayon. So, next month ay 59-years old na siya pero dahil may kasabihan na hindi raw maganda ang edad na ‘yun, he will turn back a year old again.


Going back sa ice bucket challenge. Hindi ba siya natatakot or nangangamba sa sinasabi na back effect ng pagsalang sa naturang challenge? Di ba sinabi ng ilang doktor na may masamang epekto sa tao ang magpabuhos ng malamig na tubig? “No! sa America kasi ay pure ice ang ibinubuhos nila. Sa atin, mas maraming tubig,” say ni Edu.


When asked about his son Luis na papasok na rin sa politics, may binigay ba siyang advice sa anak at ganoon din kay Batangas Governor Vilma Santos? “Hindi naman humihingi na advice si Vi. Ang masasabi ko lang na kung papasok ka sa politics. Dapat iwanan mo ang pag-aartista para ‘di maging unfair sa mga taong bomoto sa iyo,” say pa ni Edu.


Pero tila malabo nga raw mangyari sa anak na si Luis na iwanan ang showbiz, lalo’t ngayon na sangkatutak ang project ng anak. “Ang maganda ay napalaki namin si Luis ng tama. Sa edad niya ay naging masinop sa buhay at lahat ng bagay na papasukin ay pinaghahandaan.


“Di ba nang maging sila ni Angel ay pinaghandaan muna nila ang magiging buhay nila if ever na sila ay haharap na sa dambana. Super proud ako sa aking mga anak, lalo na si Luis na marunong na sa buhay. Sa kanyang edad ay naging masinop sa buhay,” tsika pa ni Edu.


Samantala, hindi makapaniwala si Edu may mga nilalang pala na sa akala niya ay hindi nangyayari. Sa Face the People ay naka-encounter nila ang isang pamilya naninirahan sa kabundukan ng Antipolo na may 18 na anak.


Ikinagulat niya sa pamilya na hindi sila nakakikita ng mall at hindi pa nakatitikim ng fried chicken sa tanang buhay nila. Ipinasya ni Edu na dalhin ang pamilya sa mall at itira sa isang hotel. Ang 26-years old na anak, for the first time raw nakakain ng fried chicken.


Sa hotel ay first time rin nakahiga sa isang malambot na kama at first time rin nakakita ng tuloy-tuloy na daloy ng tubig sa banyo at first time rin nakakita ng telebisyon kaya hanggang umaga ay nadatnan niyang gising ang mga ito na nanonood sa TV na isang station lang ang pinanood.


Akala ni Edu ay hindi nangyayari sa ating bansa ang mga ganoon pangyayari na isang pamilya na nanirahan sa bundok ng Antipolo na ang kinakain ay kamote at saluyot, na ang isang kilong bigas ay pinagkakasya sa 20 katao sa isang araw. TEKA MUNA/Gerry Ocampo


.. Continue: Remate.ph (source)



Luis pinahihinto ni Edu sa pag-aartista


No comments:

Post a Comment