Thursday, August 28, 2014

Lovi, kakutsaba ni Sen. Escudero

MASAYA ang actress na si Lovi Poe para sa kanyang matalik na kaibigan na si Heart Evangelista dahil sa suprised moment na pag-propose ni Sen Chiz Escudero. Isa si Lovi sa mga naging saksi sa nasabing ‘Magical Moment’.


Masayang-masaya siya sa sorpresang natanggap ng kaibigan. “I’m so happy for both of them. They finally found each other, the true love,” bungad ni Lovi. “Since surprise kasi ‘yun, I saw her gabi na dahil isa-isa kaming lumabas. She was already crying ‘coz she knew what was happening already…And I’m so happy dahil na-pull off namin dahil matagal na namin itong pinag-usapan.


“Si Chiz, matagal na itong plinano, months ago pa. So, parang I’m so happy na naitago namin sa kanya (Heart) ‘yung surprised na event,” sabi pa ni Lovi.


Sa paanong paraan sila kinausap ni Senator Chiz tungkol sa plano niya? “Tinawagan niya kaming lahat na mga kaibigan ni Heart then, nag-usap lahat kami nagku-communicate kung paano gagawin. May plano na talaga,” saad pa ng aktres.


Hindi nga raw maipaliwanag ni Lovi ang nararamdaman nung mga sandaling iyon sa nakikita niyang kasiyahan sa mukha ng kaibigan. “She’s very happy and she was crying, tears of joy…Kitang-kita mo talaga sa kanya na sobrang saya niya, even kami sobrang kinilig ng mga sandaling ‘yun,” lahad pa ng aktres.


***

LAST Sunday, August 24, 2014, ginanap ang isang big presscon sa Dong Juan restaurant located at Mother Ignacia. Tampok sa presscon ang bagong kilabot ng mga kolehiyala na si Michael Pangilinan kung saan mabilis siyang tinanggap ng tao especially ng mga libo-libo niyang mga fans.


Sa ngayon handang-handa na nga si Michael for another big concert entitled “Pare, Mahal Mo Raw Ako (The Concert) at Teatrino Promenade, Greenhills on Thursday, August 28, 2014 (9PM) with very special guests Sam Milby, Prima Diva Billy, Herbert C, Atak, Angel Mistress Sangalang and Ms. Rochelle Pangilinan.


You may also vote for Michael and this song as MOR’s CHOICE in the forthcoming Himig Handog P-Pop Love Songs by texting MORHHSONG11 and send it to 2331. SABEEE!/Throy J. Catan


.. Continue: Remate.ph (source)



Lovi, kakutsaba ni Sen. Escudero


No comments:

Post a Comment