Thursday, August 28, 2014

Naiilang na pinag-aagawan ng dalawang babae…

NABALIW kami sa pagtili ni Bb Gandanghari habang ginagawa niya ang ice bucket challenge.


Tinanggap niya ang hamon ng Talentadong couple na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez.


Girl na girl ang dating ni BB sa naturang challenge. Ang hinamon naman niya ay ang dating asawa na si Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.


Talbog!


-0oO-

Katuwa ang reaksyon ni Janno Gibbs na pinag-aagawan siya ng dalawang babae sa serye niya sa GMA 7 na sina Manilyn Reynes at Valerie Concepcion. “Sobrang haba na nga ng buhok ko e,” aniya.


Walang ilang factor sa karakter niya at baka maulit din ang tsismis na nambababae siya.


“Hindi ako naiilang sa ganung point of view, naiilang ako sa, actually ina-adjust ko ‘yung lines. Halimbawa, nasa script parang, ‘Ayoko sa iyo, ayoko talaga sa iyo! Hindi kita kayang mahalin.”


“So, ako, conscious ako na, hindi naman ako Richard Gomez para…e, si Valerie ang ganda e, ‘di ba? Hindi naman totoo, ‘di ba? Hindi naman ako Dingdong Dantes.


“So iibahin ko ‘yung pagkakasabi ko. Parang dadalhin ko lang sa, ‘Hindi, may asawa ako, e! Ayokong sirain yung family ko. Mas totoo.” Sambit ni Janno.


Nagpapaalam naman daw siya sa direktor nilang si Albert Langitan na babaguhin niya ang ilang mga linya niya.


Samantala, hindi natatakot si Janno kung isa siya sa silipan ng BIR.


“Kasi, sa totoo lang ha, isa ako sa pinakamaliit ang suweldo. Oo! Kahit silipin pa ako, okay lang,” sey niya sabay tawa.


Wala ba siyang plano na pasukin ang politics?


“Ayoko, hindi ko kaya ‘yun! Wala sa dugo namin, e. Wala akong, medyo mana-mana rin ‘yan, ‘di ba?


“Wala sa puso ko ‘yan,” sambit niya.


Ganoon?


-0o0-

Pinasok na rin ni Venus Raj ang pagkanta. Nagkaroon siya ng test recording sa isang studio sa Panay Avenue. “Matagal ko na po talaga kasing dream na kumanta pero parang hindi naman siya talagang focus ng career noon kasi parang busy po sa pageantry and then ngayon nag-aaral ako.


“And I’m happy na now it is not just a dream, we’re actually working out to make it happen,” bulalas niya.


Ready na ba siya sa feedback ng mga tao kung may karapatan siyang kumanta?


“Wala naman, nag-e-enjoy po kasi ako, e. Since first time ko siyang gawin, tuwang-tuwa lang ako pag nakaka-hit ka ng tamang notes, ‘pag nakukuha mo ‘yung tamang tono, natutuwa lang talaga ako and of course we want o share to with the public, and sana po magustuhan din talaga ng mga tao pagka nakita na po nila,” bulalas niya. XPOSED/Roldan Castro


.. Continue: Remate.ph (source)



Naiilang na pinag-aagawan ng dalawang babae…


No comments:

Post a Comment